top of page
Search

Paano Sagutin Ang - Magkano Na Ba Ang Kinita Mo?

  • Writer: larry  bravo
    larry bravo
  • Feb 13, 2015
  • 2 min read

Paano mo nga ba sasagutin ang ganitong klaseng objection?Bago ko sagutin yan, alam mo ba na hindi naman talaga gustong malaman ng prospect mo kung magkano yung eksaktong kinikita mo sa business mo.

Dahil ang talagang gusto nilang malaman ay kung…

  • Totoo ba ang opportunity mo

  • Totoo ba na may mga kumikita sa company niyo

  • Baka masayang lang ang pera nila kapag nag-invest sila

Sa madaling salita gusto nila ng proof kung may mga kumikita ba talaga sa opportunity mo.

May mga ilang sagot sa objection na ito pero sa lahat ng nasubukan ko, ito yung pinaka effective at nakakatuwa...

Prospect: “Magkano na bang kinita mo dyan?

”Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para maging interesado ka?

OR

Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para maging interesado kang tignan maige ang opportunity na ‘to?

OR

Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para ma-impress ka?Wag mong kakalimutan ilagay yung Smiley kapag sa chatpara hindi magmukang maangas.

Kapag kausap mo yung prospect face to face,

ikaw ang mag Smiley Face. :)

Napaka effective nitong sagot na ito, mamaya malalaman mo kung bakit pero sa una medyo kaylangan ng kaunting lakas ng loob kung gagamitin mo ang sagot na ito.

Medyo kaylangan ng posture.

Pero wag kang magalala dahil masasanay ka din kapag ginamit mo na ito ng ilang beses.

Kapag tinanong mo sa prospect ang tanong na ‘to, magbibigay siya ng figure sayo.

Hindi mahalaga kung hindi mo pa kinita o kinikita yung amount na sasabihin ng prospect mo. Kaylangan lang ay may mga alam kang success stories from your company.

Gagamitin at ikukwento mo kasi yung success story na yun sa prospect mo.

Parang ganito ang magiging flow ng paguusap niyo…

Prospect: Magkano na ba’ng kinita mo dyan?

Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para maging interesado kang tignan maige ‘tong business na ‘to=)

Prospect: P30,000

Kung kinita mo na yung sinabi nyang figures sa’yo, sabihin mo lang… “Great, yan na ang kinikita / kinita ko dito, gusto mo bang ITURO ko sa’yo kung ano ang ginawa ko para kitain yung ganung income?” Kung hindi mo pa kinikita yung sinabi n’yang figures, eto ang isagot mo…

Ikaw: “Well, basically kakasimula ko pa lang sa business na ‘to kaya hindi ko pa nari-reach yung ganyang level ng income. Pero let me tell you about ________, na kumikita na ng ganyan dito sa company na ‘to. Gusto mo bang malaman kung ano yung ginawa n’ya para kitain yung ganung income?”Kwento mo yung maikling storya ng taong binanggit mo. Then tell your prospect this…

Ikaw: Kung willing ka ding aralin at gawin yung ginawa n’ya possible din na kitain mo yung income na kinita n’ya. Willing ka bang matutunan at gawin yung ginawa n’ya?

Prospect: Oo

Ikaw: Ok good, eto yung unang gagawin mo para makapag simula… (Sponsor him / her in your business)

That's it! I hope may natutunan ka sa blog post na ito and I would like to encourage you na i-share mo din ito sa ibang mga pinoy network marketer na kilala mo lalo na sa mga downlines mo na sa tingin mo ay mag bebenefit din dito.


 
 
 

Comments


Add me on Facebook: 

Like my Facebook Page: 

Larry G. Bravo

PPS - Kung may natutunan ka di ‘to, make sure             to Click Like and Click Share or Post your comments below…

Im also the creator of "Freeway To Become A Great Marketer "  Free E-Book.

 

Download your Copy Now! CLICK HERE...

bottom of page