MERRY CHRISTMAS and HAPPY NEW YEAR
- larry bravo
- Dec 13, 2014
- 2 min read
Binigyan ng bagong kahulugan ni LARRY ang "new year's resolution." narito ang ilang mga tips para ma-achieve ang inyong "happiness" goals sa taong ito.
Bagong taon na naman, mga K.K.K ko hehehe:-)
Kasabay ng pagliwanag ng kalangitan dahil sa mga fireworks at ng pagbaha ng mga masasarap na pagkain sa bawat tahanan ng mga PIlipino, ang bagong taon ay panahon kung saan karamihan sa atin ay nagsisimula ng panibagong yugto sa ating buhay.
Panahon rin ito kung saan sinisimulan natin ang mga positibong pagbabago sa mgabuhay para makamit ang ating iisang hangarin--ang magkaroon ng tahimik at masayang pamumuhay.
Kaya naman kahit nagawa mo man lahat ng bagay na nasa iyong NEW YEAR'S Resolutions List noong nakaraang taon o kaya naman ay hindi naging magnada ang taong 2013 sa iyo, huwag kang mag-alala, My Friend's! Ang pagdating ng panibagong taon na ito ay ang hudyat mo na para simulang baguhin mo ang iyong kapalaran...
copy & paste this link to your new tab http://lazzor051009.wix.com/workwithlarrybravo
kaya tigilan na ang pagsisisi sa mga nangyari noong nakaraang taon at simulan mo nang bumangon muli ngayong 2015! Sundan ang daan patungo sa tunay na kaligayahan sa pamamagitan ng pagsunod lamang sa simple at libreng mga payo na ito at paniguradong magkakaroon ka ng masayang buhay sa buong taon.
"MASAYANG TUGTUGIN PARA SA MASAYANG ARAW"

Ang isang positibong music ritual sa umaga ay isang paniguradong paraan para simulan ang iyong araw ng mas masaya. Isa rin itong paraan para maiwasan mong isipin ang mga problema at alalahanin nang mga nagdaang araw at sa mga susunod pang araw.
Ayon sa mga pag-aaral, ang pakikinig sa musika ay maaaring makapagpabago ng mood ng isang tao at mabawasan ang tyansa na makaranas ng depresyon.
Kaya simulan na ang araw ninyo sa pakikinig ng masasayang awitin! Gumawa ng isang "FEEL BETTER" playlist sa iyong mga cellphone gadget, etc. Pumili lamng ng mga positibo at inspiring na mga awitin na puwede kang makapgsing along.
Subukan mo ang kantang Walking on Sunshine ng Katrina & the Waves. Maaring gamitin mo ito na panimula sa iyong sariling playlist...
"NGUMITI NG ABOT-TENGA"

Sa pag-aaral na ginawa ni Bret Scottt ng Michigan State University noong 2011, napag-alaman niya na ang mga tao na ngumingiti at mas maayos na mood kumpara sa mgataong hindi ngumingiti. Tulad ng pagtawa, ang pagngiti ay nakahahawa rin. Ibahagi ang iyong kaligayahan sa iba at ipasa ang iyong ngiti kahit na sa mga hindi mo kakilala. Kapag mas madalas kang nakangiti, ngingiti rin sayo ang kapalaran.
"MANOOD NG NAKATATAWANG VIDEO"

Ang pagtawa ang isa sa mga pangunahing reaksyon ng tao na maikakabit sa kaligayahan. At sa anong pinakasimpleng paraan pa mas makapagsisimula tayo ng pagtawa kung hindi sa panunuod ng mga nakakatawang videos.
Sa pag-aaral na ginawa ng University of Western Ontario, lumabas na ang mga tao na nanuod ng nakatatawang video ay mas nakapag-isip ng mga solusyon sa problema kumpara sa mga taong nanuod ng mga nakalulungkot na videos..
Kaya naman kahit na panunuod ng isang prank video sa internet at ng simpleng panunuod ng iyong paboritong gag shows sa telebisyon pa ang iyong gawin, hanggat panapatawa ka nito, isa na iyong paraang para mas mapaganda ang iyong mood.
Comments